Bakit Not Available ang Chickenjoy sa Ilang Branch ng Jollibee?

Tinimbang ngunit kulang.
Photo/s: Shutterstock

Tinimbang, ngunit kulang. Dahil sa liit ng mga manok galing sa mga poultry farm, may ilang sangay ng Jollibee at McDonald's ang hindi nagsisilbi ng fried chicken, ayon sa dalawang higanteng kompanya.

Sa mga fans ng Chickenjoy, para itong #Chickensad ilang taon ang nakalipas kung saan dahil sa kalamidad, nagkulang ang suplay ng manok na pang-fried chicken.

MGA EXPLAINER SA TAGALOG:

Ano ang Inflation at Bakit Ito Mahalagang Bantayan?

Kumusta Naman ang Piso at Bakit Ito Mahina Kontra sa Dolyar ng U.S.?

May quality control kasi sa laki ng manok. Ibig sabihin, kung hindi abot sa sukat, hindi puwedeng isilbi sa kanilang mga kainan, ayon kay Adi Timbol-Hernandez, tagapagsalita ng McDonald's Philippines, sa panayam ng TV Patrol.

"Meron naman pong manok. Pag pumunta kayo sa palengke, meron. Punta kayo sa grocery, meron kayong mabibiling manok. Pero yung size, o timbang ng manok ,hindi sya swak o pasok sa requirements namin," ani Timbol.

Continue reading below ↓

Pakyawan kasi ang benta ng mga poultry farmers ng manok sa mga fast food at dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng patuka, ilan sa kanila ang nalugi, ani Elias Incion, presidente ng United Broiler Raisers Association.

"Isang hamon 'yon dati wala naman yang size na yan sa pamilihan," ani Timbol sa bagong "small" size ng manok na hindi magamit ng Jollibee at McDonald's.

Ayon sa Jollibee inaasahan nilang bubuti ang suplay ng manok at ilang mga sangay lamang ang walang Chickenjoy.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Latest Headlines
Recent News