Malapit sa Bituka: Bakit Mahalaga ang Interest Rate Hike ng Bangko Sentral

May utang ka ba sa bangko?
Photo/s: shutterstock

May utang ka ba sa bangko? Kung ang condo mo ay hinuhulugan mo buwan-buwan, malamang nagbabago ang interes taun-taon o kada tatlo o limang taon.

Gayundin sa auto loan at pinapaikot mong utang sa credit card (na dapat mong iwasan), may kaukulang interes.

Nitong Huwebes, tinaasan ng Bangko Sentral ang overnight borrowing rate ng 75 puntos at binalik ito sa 3.25%, ang antas bago ang COVID pandemic.

BASAHIN SA INGLES: Why Bangko Sentral Hiked Interest Rates to Pre-COVID Level 

Hindi man agaran, inaasahang susunod nang tataas ang interes o tubo sa lahat ng utang sa bangko dahil ang overnight rate ang benchmark o batayan ng mga bangko sa Pilipinas kung gaano kalaki o kaliit ang sisingilin nilang interes.

Ayon sa Gobernador ng Bangko Sentral na si Felipe Medalla, tinaas ang overnight rate para kontrahin ang inflation o pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Pag mataas kasi ang interest rate, mas maeenganyo ang tao na mag-ipon imbes na mangutang. At kung mas kaunti ang paggastos, babagal ang inflation dahil isa sa mga nagpapataas ng presyo ng bilihin ay demand.

Continue reading below ↓

Pag mataas din ang interest rate, lalakas ang piso dahil mas maeengganyo ang mga dayuhan na mag-invest sa bonds o utang ng gobyerno. Kamakailan, pumalo na sa P55 kada $1 ang palitan sa merkado.

BASAHIN:

Polymer P1,000 Bill: Paano Pangalagaan at Puwede Bang Itupi ?

Bakit Not Available ang Chickenjoy sa Ilang Branch ng Jollibee?

Nasaan na ang National ID Mo at Paano Ito I-track?

Senyales ang 75-puntong rate hike nitong Huwebes na seryoso ang Bangko Sentral na pabagalin ang inflation. Labas kasi ito sa kalendaryo nila kung saan magdedesisyon kung pananatilihin, itataas o ibababa ang overnight rate.

Isa marahil sa mga nagbunsod sa BSP ay ang 9.1% inflation sa Amerika. Dahil kontrolado ng Amerika at dolyar at malaki ang mga negosyo nila sa Pilipinas, ano mang nangyayari sa ekonomiya doon ay may epekto sa ekonomiya natin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Latest Headlines
Recent News