Nasaan na ang National ID Mo at Paano Ito I-track?
Matapos magparehistro para sa National ID o PhilID card, maaaring ikaw ay isa mga nag-aabang kung kailan mo ito makukuha o kung gaano katagal ka pa dapat na maghintay.
Ang National ID ay isang ID na naglalaman ng mga personal na impormasyon ukol sa iyong pagkatao. Matatandaang iniutos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kilalanin ang National ID bilang sapat na pruweba ng pagkatao at edad para sa lahat ng pampubliko at pribadong transaksyon.
BASAHIN: National IDs Can be Verified via PhilSys Check Website
Kung ikaw ay isa sa mga naghihintay pa rin na makuha ang kaniyang National ID, narito ang proseso upang ma-track ang status nito:
1. Tandaan ang transaction number
Matapos magparehistro para sa National ID, bibigyan ka ng transaction slip na naglalaman ng iyong National ID transaction number. Tandaan na pribado ang slip na ito at hindi dapat i-post sa social media.
Tandaan ang iyong transaction number dahil ito ang iyong gagamitin para i-track ang delivery ng iyong National ID.
2. Bisitahin ang PHLPost tracking website
Bisitahin ang PHLPost tracking website (http://tracking.phlpost.gov.ph/) upang malaman ang delivery status ng iyong National ID
3. Alamin ang estado ng iyong National ID
Ilagay lamang ang transaction number sa PHLPost tracking website at pindutin ang "track" upang malaman ang impormasyon ukol sa delivery ng iyong National ID.
Huwag mag-alala sakaling lumabas sa website na ang iyong National ID ay "NOT FOUND". Ayon sa Philippine Statistics Authority, nangangahulugan lamang ito na ang iyong National ID ay nasa Post Office pa. Hindi ibig sabihin na nawawala ito.
Tandaan na ang delivery ng iyong National ID ay libre. Maaari rin humingi ng update ukol sa iyong National ID sa pamamagitan ng pag-email sa info@philsys.gov.ph o tumawag sa PhilSys hotline 1388.
MGA EXPLAINER SA TAGALOG:
Kumusta Naman ang Piso at Bakit Ito Mahina Kontra sa Dolyar ng U.S.?
Ano ang Inflation at Bakit Ito Mahalagang Bantayan?