Kumusta Naman ang Piso at Bakit Ito Mahina Kontra sa Dolyar ng U.S.?

Kamakailan, umabot ang palitan sa P55.
Photo/s: Shutterstock

Pumalo kamakailan sa P55 ang palitan ng piso kontra dolyar, ang pinakamurang palitan sa huling 16 na taon.

Para sa karaniwang tao, maaaring tumaas ang presyo ng bilihin na may sangkap na imported, o binibili gamit ang dollar, gaya ng gasolina. Para naman sa Bangko Sentral, senyales ito na itaas ang interest rates kasabay ng Amerika.

Malaking bagay ang muling pagbukas ng mundo galing sa pandemya sa paglakas ng dolyar, ayon sa mga analyst. Ang mga negosyong natengga ng dalawang taon, ngayon ay nangangailangan ng mas maraming sangkap, at karamihan sa mga ito, binabayaran ng dolyar.

Habang malakas o in-demand ang dolyar sa buong mundo, humihina naman ang piso, batay sa simpleng supply-and-demand. Mas maraming may kailangan ng dolyar, mas nagmamahal ang halaga nito.

EXPLAINERS IN ENGLISH:

Expensive Fuel Hurts So Bad, When Do You Say Enough is Enough?

What is Shrinkflation? Check If Your Pan de Sal is Smaller 

Continue reading below ↓

Let's Talk About 'Pink Peso' Power This Pride Month

Kumusta naman ang piso?

Huling pumalo sa P55 ang kada $1 noong kasagsagan ng "Hello Garci" noong 2005. Ito ang panahon na inakusahan si dating Pangulong Gloria Arroyo ng pandaraya sa eleksiyon noong 2004. 

Gaya ng stock market, maaari ring magbunsod ng pagbaba ng halaga ng piso ang mga kaganapan sa pulitika. Para kasi sa ilang investors, "safe haven" ang dolyar, ibig sabihin, kapag naglagak sila ng pera dito, hindi ganoon kalaki ang posibilidad na malugi sila.

Mula Enero 2022, 7.4% na ang binaba ng halaga ng piso kontra sa dolyar, ang pinakamababa sa buong Southeast Asia, ayon kay RCBC Chief Economist Michael Ricafort.

Nitong Hunyo lamang, 5% na ang binaba ng halaga ng piso na siya nang pangalawang worst-performing currency sa buong Asya, pangalawa sa yen ng Japan, ayon naman kay Bank of the Philippine Islands Chief Economist Jun Neri.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tweet ni ING economist economist Nicholas Mapa sa kanyang personal account, patuloy na hihina ang piso at bibilis ang inflation dahil sa pagiging "dovish" o konserbatibo ng Bangko Sentral sa pagtaas ng interest rates.

Continue reading below ↓

Latest Headlines
Recent News