Polymer P1,000 Bill: Paano Pangalagaan at Puwede Bang Itupi ?
Simula sa bagong disenyo ng P1,000 na may Philippine Eagle, unti-unting papalitan ng Bangko Sentral ang perang papel na nasa sirkulasyon ng mga gawa sa polymer o plastic.
Ayon sa BSP, mas matibay, mas madaling linisin at mas mahirap kopyahin ng mga kriminal ang polymer bills.
MGA EXPLAINER SA INGLES:
My Money is Burnt, Torn, Vandalized. Can I Still Use It to Pay?
New Peso Bills: How to Handle, Clean Polymer Banknotes
Dahil gawa sa plastic, kailangan din nito ng tamang pangangalaga. Ayon sa Gobernador ng BSP na si Felipe Medalla, mabuting iwasang matupi ang polymer bills at itago ito sa mga wallet na singhaba ng mismong pera.
Pasok dito ang mahahabang wallet o mga bi-fold na wallet, ayon sa BSP.
Habang viral ang bagong disenyo ng piso, pinaalalahanan ng BSP ang mga negosyante na tanggapin pa din ang polymer bills kahit nakatupi.
Paano alagaan ang polymer paper bills?
- Panatilihin itong patag at iwasang itupi gaya ng ginagawa sa mga sulat
- Gumamit lamang ng medyo basang basahan kung lilinisin ito
- Gamitin ito sa paggastos at huwag gawing display
- Huwag itong sulatan.
- Huwag itong butasan, gupitin o punitin
- Huwag gamitan ng stapler
- Panatilihing malinis ang bahagi ng pera na clear kung saan may nakalagay na security features
- Huwag itong sunugin
- Huwag itong plantsahin
- Huwag gamitan ng muriatic acid, bleach, o matatapang na kemikal