Presidential candidate Bongbong Marcos on Saturday delivered his last campaign speech calling for "unity" among Filipinos as he sought to translate his lead in pre-election surveys into actual victory in the May 9 polls.
The son of the late dictator is the top choice for president of many Filipinos according to various polling firms, along with his vice presidential running mate Sara Duterte-Carpio. The tandem hopes that their message of unity would resonate to Filipinos as they cast their votes on election day.
READ: At Malacanang's Door, Bongbong Marcos Pitches 'Unity' to Voters
Here's Marcos' full speech during his miting de avance:
Magandang gabi Pilipinas!
Maraming-maraming salamat po at dito sa ating kahuli-hulihang rally, ang ating miting de avance, ay nagpakita ulit ang ating mga kababayan na kasama ninyo ay nasa likod ang lakas ng suporta ng madlang Pilipino sa UniTeam at sa tambalang Marcos-Duterte.
Mula nung kami ay nagsimula ng kampanyang ito ay aming dala....
(Crowd chants "Panalo ka na!")
Mananalo talaga tayo basta walang tulugan sa Lunes para hindi na tayo madisgrasya ulit. Alam naman natin kapag naiwanan natin kung minsan ay maraming nangyayari na hindi kanais-nais.
Katakot-takot na kape ang uubusin natin.
Mula noong nagsimula ang kampanyang ito, ang UniTeam ay anim na buwan nang umiikot sa buong Pilipinas at dala ang mensahe ang pagkakaisa, dala ang mensahe ng pagmamahal at pagtutulungan ng bawat Pilipino. Dahil sa aming pananaw ito ang kailangan natin sa panahon ng krisis kagaya ngayon.
At tinanggap ninyo ang mensahe namin tungkol sa pagkakaisa. Nauunawaan ninyo kaagad na ang pagkakaisa ay magiging bunga ng pagmamahal ng bawat Pilipino sa isa't isa.
Marami nang nakabanggit sa dami ng problemang ating hinaharap. Maraming nakakaalam at nararamdaman kung ano ba ang mga dapat tugunan na dala ng pandemya, ng krisis ng ekonomiya na likha ng pandemya.
Kami ay patuloy naming isinisigaw ang pagkakaisa. At ang ating mga kababayan, kayong lahat ay napakadali sa inyo na maunawaan ang pagkakaisa dahil nasa inyo ang puso ng tunay na Pilipino. Ang puso na nagmamahal sa kapwa, ang puso na may malasakit sa kapwa, ang puso na nagmamahal sa ating bansang Pilipinas.
Dahan-dahan ay dumadami ang sumasama sa atin. Dahan-dahan ay naririnig natin ang sagot ng ating mga kababayan sa sigaw ng UniTeam ng pagkakaisa. At ito ay nagsimula kami, anim na buwan na noong nagsimula kami ay ang sagot na naririnig natin ay parang bulong lamang, halos hindi marinig. Habang tumatagal ang panahon, nakikita natin ang bulong na yan ay palakas nang palakas habang dumadami ang nagsasanib-pwersa sa likod ng kilusan ng pagkakaisa. Hanggang ngayon na maliwanag na maliwanag na ang sigaw ng Pilipino.
At ang sigaw ng Pilipino ay nauunawaan namin ang pagkakaisa, nauunawaan namin ang pagmamahal kaya kami ay kasama sa pagkakaisa. Kami ay kasama sa pagpapaunlad ng Pilipinas, kami ay kasama sa pagpapaganda ng buhay ng bawat mamamayang Pilipino. Kami ay kasama sa kilusan ng pagkakaisa.
Dito natin makikita ang tunay na ugali, ang kultura ng Pilipino na nagmamahal sa kapwa. Dito natin makikita ang tunay na pagmamahal ng mga Pilipino sa ating minamahal na Pilipinas. Kaya naman ang ating sinasabi ay hindi tayo dapat magtaka dahil alam natin ang ugali ng Pilipino. Ang ugali ng Pilipino ay mapagmahal, ang ugali ng Pilipino ay may malasakit sa kapwa.
Nung pag-iikot namin, lagi kong sinasabi na alam naman natin ang tunay na puso ng Pilipino. Ang tunay na puso ng Pilipino ay tutulungan ang kanyang kapwa kapag naghihirap. Ang tunay na puso ng Pilipino ay magbibigay ng kanyang kamay upang makapagdulot lang ng konting tulong at ginhawa. Kung ang isa ay natisod na at nadapang Pilipino, alam naman natin na ang ugali ng Pilipino ay maging mapagmahal hindi lang sa kapwa kundi sa bansang Pilipinas.
Kaya naman kami ng UniTeam, ang tamang Marcos at Duterte, kami ay umikot upang lumapit sa ating mga kababayan at hilingin sa inyo ang inyong suporta. Hilingin sa inyo ang suporta para mailuklok ang ating mga magagaling na opisyal para aming masimulan ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipinas. Dumadami na ang sumanib pwersa dito sa kilusan ng pagkakaisa.
Ngunit, meron akong napuna. Kami ay tumakbo sa ilalim ng adhikain ng pagkakaisa. Hiningi namin ang suporta ng ating mga kababayan at ibinigay naman ninyo, nagpahayag kayo ng suporta, nagpahayag kayo ng tiwala kay Marcos at Duterte at pati na sa UniTeam.
Kaya't gumanda ang pag-asa namin na pagdating ng halalan, baka naman kami ay mabigyan ng pagkakataon na simulan ang pagkakaisa ng Pilipinas.
Ngunit hindi pa tayo nakarating sa halalan. Wala pa tayong napasyahan na mga kandidato na mamumuno sa darating na ilang taon. Ngunit ang taumbayan ay hindi na nag-antay sa halalan. Ang taumbayan, noong narinig ang aming mensahe, ng aming adhikain ng pagkakaisa, ay sinimulan na ang pagkakaisa kaya't ating nararamdaman ngayon na ang buong Pilipinas ay dahan-dahan nang nagkakaisa.
Kayo na, mga mamamayang Pilipino, ang nangunguna dito sa kilusan ng pagkakaisa. Habang kaming mga kandidato ay nag-aantay ng suporta, nag-aantay na sana kami ay maging mapalad at makaupo ang taumbayan, ang taumbayan ay hindi na nag-antay at ipinalabas ulit ang tunay na puso ng Pilipino at sinimulan na ang pagkilos ng pagkakaisa. Kaya naman napakaganda ng naging pagsanib pwersa ng lahat ng Pilipino.
Kayo na ang nangunguna sa kilusan ng pagkakaisa. Kami ang magsisilbi lamang sa inyo upang ipagpatuloy ang inyong sinimulan, upang ipagpatuloy ang daang-daang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Upang gawin ang lahat upang dumating ang araw na masasabi natin ang mga Pilipino ay muling nagttrabaho, ang mga Pilipino ay may pera na naman sa bulsa. Kaya na namang pakainin ang kanilang mga pamilya, kayang pag-aralin ang kanilang mga anak.
At yan ang inaantay natin na araw, na masasabi natin dahil sa ating pagtutulong sa isa't isa, nararamdaman na natin na tayo kahit nasa krisis pa lang ay tayo ay dahang-dahang nakikita natin, gumaganda ang buhay dahil tayo ay kapit-bisig, lahat ng Pilipino ipinagsasama ang tapang, ang sipag, ang galing, ang kakahayan, at ang pagmamahal ng bawat Pilipino.
Inaantay natin na masabi na dumating na ang araw na tayo masasabi natin na ipagsama-sama natin ang mga Pilipino. Napaganda na natin ang buhay ng ating mga kababayan dahil tayo ay tumulong, dahil tayo ay nagkaisa. At pagdating ng araw na yan ay tayong mga Pilipino ay magmamalaki ulit, sasabihin sa ating mga kaibigan sa buong mundo, 'Tignan niyo kami, mga Pilipino. Dumaan sa krisis at hindi kami nakaraos lamang. Kami ay sumikat pa at nalampasan na natin ang ating sitwasyon bago pa magkaroon ng pandemya.' Pagagandahin pa natin. At tayo ay darating din sa araw na yan na kapag tayo ay nagsanib pwersa, tayong mga Pilipino, tayo muli ay haharap sa buong mundo at sisigaw sa ating mga kaibigan at iwawagayway ang ating bandilang Pilipino at sasabihin natin at ipagmamalaki natin at isisigaw natin: 'Ako ay Pilipino, taas noo kahit kanino.'
'Yang hangarin na yan, ang layunin na yan, aking minamahal na mga kababayan, kayo ang magdadala sa bukas na mas maganda. Sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino, mararamdaman din natin yan, mararating din natin yan, ang pangarap natin para sa ating bansa, ang pangarap natin para sa ating kapwa Pilipino.
Ngayon, tayo ay nasa katapusan na ng kampanya para sa halalan sa Lunes. Alas onse a-kinse na at pagdating ng alas-dose, tapos na ang tinatawag na campaign period. Ang idadagdag ko lang ang pasasalamat sa lahat sa inyo, sa inyong suporta, sa inyong tiwala. Sa lahat ng aming kasama mula sa simula at pati na lahat ng sumapi dito sa ating kilusan ng pagkakaisa hanggang tayo ay umabot ngayon dito sa araw na ito.
Sa Lunes tayo ay boboto na. Tayo'y magpapasiya kung sino ang mga mamumuno sa darating na ilang taon. Ang hiling ko lang sa inyo ay huwag niyong kalimutan ang ating pinag-usapan dito sa anim na buwan na kampanya na ito. Huwag natin titigilan ang ating sinimulan. Huwag tayong hihinto at lahat ng ating lakas ay ating isakripisyo. Ang ating buong puso at dunong ay ibibigay natin sa ating kapwa, ihahandog natin sa ating minamahal na Pilipinas.
Alalahanin din ninyo na ang suporta ninyo sa UniTeam, para sa tambalang Marcos-Duterte ay hinid lamang suporta para sa mga kandidato. Ito ay suporta sa pagkakaisa. Ito ay suporta para sa pag-unlad ng Pilipinas. Ito ay suporta sa magandang kinabukasan.
Kaya't pagdating ng Lunes, pagpasok ninyo sa inyong mga presinto, ay isipin ninyo kung ano ang ninanais nating kinabukasan para sa ating mga mamamayan, ano ang ating ninanais na kinakabukasan para sa Pilipinas. At sa ganung pag-iisip ay umaasa kami sa UniTeam na tambalang Marcos-Duterte, umaasa kami na kami ang mapupusuan ninyo dahil sa UniTeam niyo lang naririnig ang pagkakaisa, ang pagmamahal, at ang pagsasama ng ating minamahal na mga kababayan.
Gawin na natin ang nakasulat sa ating mga placards, sama-sama tayo sa tagumpay. Sama-sama tayo sa tagumpay sa darating na halalan sa Lunes. Ngunit sama-sama rin tayo sa tagumpay ng pagkakaisa ng buong Pilipinas. Yan ang aming naging pangarap, mukha namang dahil sa inyo, dahil sa inyong mga minamahal kong kababayan, malaki ang pag-asa na makakamtan natin ang pangarap na yan, maabot natin at magagawa natin para sa Pilipinas yan. At kapag ating nagawa ito, asahan ninyo na tayo ay maalala natin kung saan tayo nagsimula. Maaalala natin kung ano ang ating nilakbay upang dumating dito at kung ano pa ang ating ipinagpatuloy para sa pagkakaisa. At mararamdaman natin kung tayo ay tuluyang magmahal sa isa't isa, kung tayo ay tuluyang magmahal sa Pilipinas, sama-sama tayong babangon muli.
Maraming-maraming salamat po. Mabuhay ang Pilipinas!
ALSO READ:
If Bongbong Marcos Wins, What Happens to Hunt for Family's Wealth?
Last 2 Minutes: Marcos Rules Surveys, Robredo Rides People's Campaign
Reportr is now on Quento. Download the app or visit the Quento website for more articles and videos from Reportr and your favorite websites.