READ: Sen. Kiko Pangilinan's Full Miting De Avance Speech

'The last man standing is a farmer.'
Photo/s: Leni Robredo/YouTube

Vice presidential candidate Francis Pangilinan ended his campaign on Saturday saying that he would uplift Filipinos from poverty while fighting historical revisionism. 

In the hotly-contested vice presidential race, Pangilinan believes that "the last man standing is a farmer," in reference to his campaign to support the agricultural industry in the country.

ALSO READ: Fighting for 'Soul of a Nation', Pangilinan Hopes Last Man Standing is a Farmer

Here's Pangilinan's full miting de avance speech:

Magandang gabi, Pilipinas. Magandang gabi mga kapwa ko Pilipino, saan man kayo naroroon, anumang kulay ang hilig ninyo.

Batiin din natin ang magiging susunod na Pangulo Leni Robredo, Senator Leila de
Lima, Dick Gordon, Senators Risa Hontiveros, Sonny Trillanes, Teddy Baguilat, Chel Diokno, Alex Lacson, Sonny Matula.

Batiin din natin Mayor Abby Binay, Vice Mayor Monique Lagdameo, Congressman Kid
Peña, at ang ating mga Makati City LGU officials at employees.

Batiin din natin RPC Makati, Lawyers for Leni-Kiko, Doctors for Leni-Kiko, Artists for Leni-Kiko, LGBTQIA+ for Leni-Kiko, sa ating mga kababayan na OFWs na nanonood ngayon, OFWs sa via livestream, Youth for Leni-Kiko.

Continue reading below ↓

Pasalamatan din natin ang ating mga volunteers na hindi nagsawa sa house-to-house campaign. Ang ating mga volunteers na nagmartsa dito sa Ayala Avenue, at sa ating lahat, magandang gabi.

Nandito tayo sa gitna ng Makati Avenue at Ayala Avenue. Makukuwento ko na ito ‘pag meron na akong apo. Minsan sa gitna, maniwala man siya o hindi, sa gitna ng Ayala Avenue at Makati Avenue, natipun-tipon tayo upang sumama sa martsa ng kasaysayan.

Ako si Kiko Pangilinan. Ama. Asawa. Anak. Kapatid. Kaibigan. Senador at magsasaka ng gulay at prutas sa Alfonso, Cavite.

Umaapaw sa tuwa ang aking puso dahil sa inyong pagmamahal. Maraming salamat.

At hindi ninyo ipinamalas ang pagmamahal na ito bilang sikreto. Pinaramdam niyo ang pagmamahal sa amin ni VP Leni at sa ating inang bayan. Isinigaw sa buong Pilipinas at sa buong mundo.

Halos pitong buwan na ang nakaraan, mula October last year, nang nag-iba ang ikot ng aking mundo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi nga ng isang writer nung nagpasya kami at inanusyo namin ni Vice President Leni ang aming kandidatura, parang nag-overtime daw ang Diyos.

Naniniwala ako na bukod tanging si Vice President Leni ang nagpatunay—nagpatunay na siya ang karapat-dapat na pangulo sa mga panahon na ito. Dahil dito isinakripisyo ko po ang kagustuhan kong sarili upang unahin ang interes ng ating minamahal na Republika.

Hindi man natin pinlano na mag-vice-president, naniniwala ako na may plano ang
Diyos.

Kasi kahit sa mga rally natin, Luzon, Visayas, at Mindanao, bagama’t tag-araw ngayon, madalas umuulan. At kung saan tayo naroroon kaya hindi masyadong mainit. Pero pag magsasalita na si Vice President Leni, biglang tumitila ang ulan.

Sinusundan din tayo ng rainbow sa iba’t ibang parte ng ating bansa. Sinusundan din tayo ng mga paru-paro.

Pinagpala ng Diyos. Pinagpala ng inyong pagmamahal. Blessed sabi nga.

This battle for the Filipino’s soul is made sacred by our love. Our love and our sacrifice have sanctified this fight.

Continue reading below ↓

Ang ating pagmamahal at ang ating sakripisyo ang siyang dahilan bakit sagrado ang laban na ito.

Parating na tayo sa exciting part.

Sa nakalilipas na tatlong buwan, saksi tayo kung paano unti-unting nabuo ang isang kilusan na pinangungunahan mismo ng taumbayan. Kilusan na pinanday ng sakripisyo, pagtiwala, ng panalangin at ng pagmamahal.

Isa sa pinaka-memorable kong experience sa campaign sortie ay nito lamang. Bumalik po ako sa Brgy. Tatalon sa 4th district ng Quezon City.

Kinumusta ko sila ulit dahil diyan ako una naging constituents sila sa 4th District ng Quezon City. Nagbalik ako sa Distrito Kwatro ng Lungsod Quezon.

Binalikan ko ang aking pinanggalingan para makarating sa paroroonan.

Sa Distrito Kwatro ng lungsod ako unang hinalal bilang pinakabatang konsehal noong 1988—24 years old.

Una akong naging lingkod-bayan sa panahong binubuo pa lamang ang demokrasya na winasak ng diktador.

Medyo naantig ako sa Tatalon dahil sa pagbabalik ko, may apat na akong anak at syempre 26 years nang kasal kasama ko ang aking bunsong anak na si Miguel.

Continue reading below ↓

Sa Tatalon, Quezon City sinariwa ko rin ang aking kabataan. Sa UP Campus ako unang naging aktibista at lider estudyante bilang chairman ng UP Diliman University Student
Council noong 1986. At sumunod na taon, naging Student Regent ng University of the Philippines System.

Aktibista ako noong panahon na naghahari-harian ang tatay. Noon pa man nilabanan na natin ang pang-aabuso sa pwesto, ang kasinungalingan, ang pagnanakaw ng pondo ng gobyerno, ang paglabag sa karapatang pantao.

Masakit ang walang makain, pero mas masakit ang mawalan ng pag-asa sa buhay.

Kaya noong nag-umpisa ulit ang ating pagkakampanya sa iba’t-ibang parte ng ating bansa, laging nasa isip ko ang proseso ng aking pagkamulat.

Ang pagiging “woke” ko nung dekada otsenta ang dahilan kaya malapit pa rin ako sa ating mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, at iba pang nasa laylayan.

Sa college pa lang ipinaglalaban ko na ang karapatan nila hanggang sa ngayon. Halos apat na dekada na, na ipinaglalaban sila.

Continue reading below ↓

Sa mga talumpati ko, lagi kong binabanggit si Tatay Neg at ang grupo niyang mga magsasaka sa Pampanga.

Kasama sina Tatay Neg din na sumalubong sa mga Sumilao Farmers doon sa Baclaran noong April 28, sa Baclaran Church.

Nagmartsa kami at nabigyan ng blessing. Sa piling nila, ipinagdiwang namin ni Sharon, kasama ang aming mga anak, ang aming 26th wedding anniversary.

Si Tatang Neg, Tatang Mameng, at Tatang Feleng – lahat sila mahigit 78 years old na.
Tatang Feleng 78, Tatang Neg 87, Tatang Mameng 84.

Bawat isa sa kanila mahigit animnapung taon nang nagsasaka. Ang suma ng mga taon nilang nagsasaka sa kanilang tatlo ay halos dalawang daang taon. Dalawang daang taong pagsasaka sa pagitan nilang tatlo. Subalit mahirap pa sila sa daga, baon sa utang at sa halip na retirado, nagsasaka pa rin.

Panahon na upang tapusin ang daang taong pag-aalipusta, pang-aapi, at matinding kapabayaan ng mga nagpapakain sa atin.

Continue reading below ↓

Panahon na na ituwid ang baluktot at hindi makatarungang sitwasyon ng mga nasa laylayan.

Sa nakaraang pitong buwan nasilayan ko din ang mga kabataang volunteer ng ating TROPA at Tropang Angat Senate Slate.

Mga kabataan sa iba’t-ibang sulok ng ating bansa na tumaya, lumahok, at nakisama sa amin ni Vice President Leni.

Dumanas tayo ng pagod, puyat, gutom.

At marami na sa youth volunteers ng Tropang Angat, bukod sa walang pang-merienda o pamasahe, ang mga unang nakatikim din ng dahas ng estado.

Noong Pebrero, sa Echague, Isabela, pinatungan ng puting pintura ang mural ng
TROPA na ginuhit ng ating youth volunteers.

Naulit pa ito sa Las Piñas. At isa sa pinakahuli ay ‘yung nakaraang Abril. Sinira ng mga katunggali natin ang ating mga mural sa Navotas.

Binalikan ko ang aking pagkamulat noong kabataan ko bilang isang pagbibigay-pugay sa tapang, talino, husay, galing, dedikasyon, at pagpupursigi ng ating youth volunteers at ating mga volunteers sa buong bansa.

Continue reading below ↓

Ang kabataan ang tunay na mitsa ng pagbabago. Ang ating volunteers ang puso, ang kaluluwa ng ating kampanya.

Mulat na mulat na ang kabataang Pilipino sa mga masasakit at mapapait na katotohanan ng ating bayan sa kasalukuyan.

Mulat na mulat na ang kabataang Pilipino sa gitna ng daluyong ng disinformation at delubyo ng fake news.

Binasag ng ating youth volunteers ang maling paniwala na apathetic daw o kaya hindi nakikialam ang kabataan. Alam ng ating kabataan ang mga usapin ng pulitika at social issues.

Hindi sila “snowflake” ika nga.

Ipinapakita ng ating kabataan sa buong mundo na kayo ay matalas, sakalam, at may paninindigan. Matapang. Hindi takot tumaya sa tama.

Dahil sa pagsama ng kabataan sa ating kampanya, mula pagka-dehado — pahiram ng bitiw na salita ni Atty. Chel, ang ating future senator — mula sa dehado, tayo ngayon ay llamado.

Parang ganito rin, ganitong-ganito rin noong panahon na pinatalsik namin, ng mga kabataan ng aming henerasyon, ang mga nakaupo, yung diktador.

Continue reading below ↓

Itong laksang-laksang Pilipinong nagdadamayan. Masayang tumutulong. Kumakanta, sumasayaw at pumi-pito pa.

Our house-to-house campaign, our rallies, itong miting de avance na palagay ko higit na sa kalahating milyong tao, are manifest of our power as a people.

Tayo, ang taumbayan ang makapangyarihan

Grabe ang ating energy. Sa inyo po ako nanghihiram at humuhugot ng lakas, at lakas ng loob. Sa inyo rin po nanghihiram ng dagdag na tapang.

Ang inyong halimbawa ay ang aking inspirasyon.

Pagód pero masaya. Hindi iniinda ang pagod, puyat, at gutom. Isinisingit sa pagitan ng trabaho o klase. Magtatrabaho ng 18 hours o higit pa. Walang tulugan. Mabuti na yung walang tulugan kaysa walang gising. Walang tulugan dahil mahal natin ang bayan.

Ganyan natin ipinaglalaban ang mahal natin.

Kaya ayaw natin sa mga kandidato na nagdudulot sa atin ng pinsala at ng kapahamakan.

We will not forget the painful lessons of history, the abuses under martial law, fellow Filipinos who disappeared and who were killed. And we will vigorously oppose anyone who dares to rewrite our history.

Continue reading below ↓

Hindi matatapos ang ating kampanya sa Mayo a-Nuebe.

Hindi matatapos ang ating paglalakbay hanggang hindi lahat ng Pilipino ay mabibigyan ng pagpapahalaga, aruga, at kaligtasan mula sa kapahamakan, kalamidad at kahirapan.

Hindi matatapos ang ating kampanya, ang ating paglalakbay, hanggang may nagugutom na Pilipino.

Pagkatapos ng Mayo a-Nuebe, hindi na sana all, kung hindi dapat all, aangat ang buhay.

Ibabalik natin ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno. Dahil ang gobyernong pamumunuan ng magiging Pangulong Robredo ay magiging tapat.

Lahat magkakaroon ng kalayaan mula sa gutom at takot.

Ito ang kredo nating lahat — mula pa sa ating mga ninuno, kasama ng mga bayaning namatay at nagbuwis ng buhay para sa bayan.

Bukas, maya-maya, araw na ng mga ilaw ng tahanan, iregalo natin ‘yan sa ating mga sarili.

Iregalo natin yan kay VP Leni. Iregalo natin sa bayan.

Sa Mayo a-Nuebe, piliin natin ang nanay na masipag, masinop, at tahimik na tinataguyod ang tahanan ng ating lahi.

Continue reading below ↓

Nagtatrabaho hanggang 18 hours a day para sa atin.

Huwag nating piliin ang parating absent, ang laki sa layaw, ang waldas sa pera ng bayan. Ang walang pakundangan sa pagsisinungaling.

Huwag nating piliin ang mag-fa-Pharmally sa mga bilyong perang gobyerno, ng pera na galing sa buwis natin. Huwag nating piliin.

Sa halip na habulin ang mga nagfa-Pharmally, dinepensahan pa itong mga walang puso na nagnakaw ng pondo para sa COVID, para sa frontliners.

Huwag tayong maging sunud-sunuran at nganga habang pinanghihimasukan ang ating mga karagatan at inaalipusta ang ating mga mangingisda, habang wino-water cannon ang ating mga barko.

Piliin natin ang pareho natin, pareho ni Leni: malakas, masipag, matapang, masinop, mapagmahal. Mabuting Pilipino.

At pinatunayan natin na tayo ay mabuting Pilipino ngayong pandemya, ngayong kampanya: nagshe-share ng pagkain, nagpapa-angkas sa sasakyan, nagpapa-community pantry, bumibili ng luto ng kapit-bahay, nagbe-bake ng pastries para ipamigay, nagpapalugaw, gumagawa ng campaign jingle ng sarili, sariling tarp, placard, mural, naglalakad at tumatayo sa mga rally, namamahagi ng tubig, nagpupulot ng basura pagkatapos ng rally, nagha-house-to-house.

Continue reading below ↓

Grabe.

Ang galing talaga ng Pilipino. May kusang loob.

‘Yan ang Pilipino.

Piliin natin ang daserb natin -- si Leni bilang Presidente ng Pilipinas, ang TROPA, ang Tropang Angat — para sa ating inang bayan at sa lahat ng anak na Pilipino.

Ilang tulog na lang, tapos na ang kampanya, tapos na ang panahon ng pagbubungkal, pagtatanim, pagdidilig, pag-aalis ng damo sa ating taniman.

Alam natin, kung ano’ng tinanim, siyang aanihin.

Sobra ang aking kasiyahan. Nag-uumapaw. Tagus-tagos. Tiklop tuhod ang aking pasasalamat sa inyong lahat.

Napakaganda ng ani natin ngayon. Ngayon ay maituturing na ikatatlong socio-cultural-political upheaval ng bansa natin matapos ang 1896 Revolution at ng 1986 Revolution.

Sa inyong lahat na mala-kabataan din ang energy!

Proud na proud akong kasama kayo sa laban na ito. Saludo ako. It has been an honor, it has been a privilege to help lead this campaign, this battle for the soul of the nation, and it is a privilege and an honor to have fought alongside you our kababayans.

Continue reading below ↓

Anuman ang resulta ng eleksyon, sa inyo pa lang panalo na tayo.

At simula Lunes, Mayo a-Nuebe, aanihin na natin ang tinanim nating pag-asa, pakikipag-kapwa, damayan, pagmamahal.

Tara na, anihin na natin ang bagong kasaysayan.

Minamahal ko kayong lahat! Buong tapang, buong puso, buong katapatan naming paglilingkuran kayo ni Leni Robredo.

At sa araw ng halalan, sa presidential race, the last man standing is a woman.

At sa vice presidential race, the last man standing is a farmer.

Mabuhay ang sambayanang Pilipinas.

Maraming maraming salamat sa inyo.

READ MORE:

Sharon Cuneta Ponders Second Lady Role, Says Don't Call Her 'Feeling'

RC Cola Feels: Kiko Pangilinan Ad Lets Ampalaya Do the Sweet Talk

Nice Catch: Stik-O Lands on Kiko Pangilinan's Hands During Motorcade

Latest Headlines
Recent News