Gaano Kahirap Manalo ng Lotto Jackpot?

Gumamit tayo ng math.
Photo/s: Shutterstock

Mahaba ang pila sa mga tayaan ng Lotto kamakailan, pumalo na kasi sa P367 milyon ang jackpot sa 6/55 nitong Huwebes.

Suwerte talaga ang pagkapanalo sa Lotto. Kung tutuusin, ang tsansa o probability na manalo sa lotto ang isang tataya ay isa lamang sa bawat 29 milyon. Kasi naman, kailangan tama ang anim sa 55 numero na puwedeng tayaan.

Kung tatayaan ang lahat ng kombinasyon, at P20 kada ticket, kailangan ng kabuuang P580 milyon. Lugi pa ng P213 milyon, 'yan ay kung walang kahati sa P367 milyon na jackpot.

MGA EXPLAINER SA INGLES:

Why People Think Broken Mirrors Bring 7 Years of Bad Luck

Why Ghost Month is Considered Unlucky

Malaking pera ang P367 milyon, lalo na ngayon na halos 3 milyon ang walang trabaho at sumisirit ang mga taas-presyo sa gasolina at pagkain.

Batay sa statistics, mas may posibilidad pang tamaan ang isang tao ng kidlat nang minsan sa kanyang buhay kaysa manalo sa Lotto, ayon sa National Weather Service ng Amerika.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos
Latest Headlines
Recent News